A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   S   »   Schizophrenia Lyrics   »   Sa Atin Ang Gabi Lyrics

Schizophrenia - Sa Atin Ang Gabi Lyrics

Font:      
Align:    
  • (Juan Lazy:)
  • Tinig ng sariling himig ang nagtulak sa'kin
  • Para sabihin ang gabing ito'y solohin natin
  • Kung chocolate yung kanya, mas sweet namn yung sa'kin
  • Ihahain, Sweet and Spicy Pancit Canton at kanin
  • At least, ako nagsaing para 'di malata
  • Ako'y nabulag sa pag-ibig mo, 'di ba halata?
  • Buong gabi ang mata ko'y sa'yo lang nakatingin
  • Dahil para kang pulut, malagkit kung tumingin
  • Gusto sana kitang kausapin
  • Huwag kang mag-alala dahil walang tao sa'min
  • Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba
  • Gagawa ng paraan makasama lang kita
  • Ang oras ay patitigilin ko dahil mas pipiliin ko sa piling mo
  • Feeling ko ikaw lamang ang kasiping ko
  • Sa'tin ang gabi na kahit nakaw sandali
  • Teka, isang tanong isang sagot
  • Oo lamang at hindi
  • (Chorus)
  • Hindi ka pwedeng humindi
  • Pagkat sa'tin ang gabi
  • Hindi mapakali kapag wala ka sa tabi
  • Wag na wag kang hihindi
  • Abot langit ang ngiti
  • Ikaw ang katabi pagkat sa'tin ang gabi
  • [Verse 2]
  • (Harlem:)
  • Pausukin natin parang bagong salin na kape
  • Hindi sa akin, hindi iyo sapagkat sa'tin ang gabi
  • Sabik na sabik 'pag ikaw ang kahalikan
  • Parang dating magkasintahang nagkabalikan
  • Sa sobrang sarap, talo ang pananghalian
  • Sa lambing, parang yakap alon ng dalampasigan
  • Panatag ang loob at ako'y kalmado
  • Sa lambing, makakatulog mata ko'y sarado
  • Kulay ng pagmamahalan sa paligid napuna
  • Lahat kulay dugo pagkat mata ay mapula
  • Pakiramadam, magaang pa sa unan
  • Katawan'y nagliyab, mainit pa sa maanghang na hapunan
  • Hinahanap ng puso bulong kasi isa lang
  • Tanging hahanapin ko buong gabi, ikaw lang
  • Matagal ang hinintay upang masolo ka at
  • Yung ibigay ang sagot na hinihintay na sana oo pagkat
  • (Chorus)
  • [Verse 3]
  • (Harlem:)
  • Ikaw lamang ang nasa isipan
  • Pakiramdam ay para bang ako'y hinihipan
  • Ng hangin papunta sa kama
  • Nasa langit, nasa ulap 'pag ikaw ang kasama
  • 'Pag ikaw ang katabi, isang gabi sa'tin bitin
  • Pagsasaluhan na gabi, 'sing dami ng bituin
  • Maikling panahon, dapat gawin nating mahaba
  • Kung kulang ang gabi, isama natin ang tanghali at umaga
  • (Juan Lazy:)
  • Sa harapan ng libu-libong usisero
  • Sa baliw na Pilipinong musikero
  • Nanatiling sikreto ang lihim ko na pagtingin
  • Ngunit sa'king pagtikim, nagkaliwanag ang dilim
  • Inibig ko ng tulad mo kahit ako'y salat sa pera
  • Ginagamit na liwanag sa pagsulat ay gasera
  • At hindi sa tubig kundi sa pag-ibig ay uhaw
  • Pagkainom, ganun pa rin, ang lasa ay kundi ikaw
  • (Chorus 2X)
  • (Outro:)
  • Gusto sana kitang kausapin
  • Huwag kang mag-alala dahil walang tao sa'min
  • Tayo lang dalawa, ako lamang at ikaw, walang iba
  • Gagawa ng paraan makasama lang kita
  • [Repeat 'til fade]

  • Report error in lyric




    The Sa Atin Ang Gabi lyrics by Schizophrenia is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Schizophrenia Sa Atin Ang Gabi Lyrics