A-Z Lyrics Database
Welcome! Login | Register
Lyrics   »   S   »   Sam Joel Nang Lyrics   »   Huni Lyrics

Sam Joel Nang - Huni Lyrics

Font:      
Align:    
  • Verse 1
  • Bayan ko, bayan mo, bayan nating mga Pilipino
  • Simbolo ng anyo, ng paninindigan, at pagkatao
  • Tayo ba’y nakikinig? S’ya nga ba’y naririnig?
  • Verse 2
  • Kay sarap pagmasdan sariling puwang na s’yang kinalak’han
  • Ang tubig, ang simoy, at lupa, at ang langit na kay asul
  • Ako ba’y nakikinig? Sila ba’y naririnig?
  • Refrain
  • O kay sayang masilayan ang kagandahang
  • Bigay ng Maykapal sa “Perlas ng Silanganan”
  • Sa baya’y handang ialay maging ang buhay
  • Dunong, diwa, at dangal
  • Verse 3
  • Ang bango ng ‘yong sampaguita, tamis ng mangga, at ang tibay ng narra
  • Sila ba’y nakikinig? Ako ba’y naririnig?
  • Chorus
  • Ang huni mo’y ‘king susundan sa tatahakin kong daan
  • Para sa ‘yo Inang Bayan, O Pilipinas!
  • Ako sa ‘yo’y magsisilbi; tagumpay mo’y minimithi
  • At diringgin ko ang huni mo Pilipinas
  • Break
  • Liwanag man o dilim
  • Huni mo’y mananatili
  • Refrain
  • Sa bawat pagkakalugmok ay babangon tayong
  • Puno ng pag-asa’t respeto sa kapwa tao
  • Pag-ibig at pagkakaisa ay ipairal
  • Susi sa kaunlaran
  • Verse 4
  • Bangayan, poot, sisihan, ay tuldukan na’t ituwid ang kamalian
  • Gunitain ang mga bayaning dugo at pawis ang s’yang iniambag
  • Sila ba’y naririnig? Tayo ba’y nakikinig?
  • Chorus
  • Para sa ‘yo Inang Bayan ang tatahakin kong daan
  • Tunay, minamahal kita, O Pilipinas!
  • Break
  • Liwanag man o dilim
  • Huni mo’y mananatili
  • At bukas sisibol na rin
  • Bunga ng iyong paghuni

  • Report error in lyric




    The Huni lyrics by Sam Joel Nang is property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
    Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved | Privacy policy | Blog
    You are now viewing Sam Joel Nang Huni Lyrics