Welcome!
Login
|
Register
Artist
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
#
Title
Artist
Song title:
Sam Joel Nang - Huni
Edit By:
216.73.216.233
Verse 1 Bayan ko, bayan mo, bayan nating mga Pilipino Simbolo ng anyo, ng paninindigan, at pagkatao Tayo ba’y nakikinig? S’ya nga ba’y naririnig? Verse 2 Kay sarap pagmasdan sariling puwang na s’yang kinalak’han Ang tubig, ang simoy, at lupa, at ang langit na kay asul Ako ba’y nakikinig? Sila ba’y naririnig? Refrain O kay sayang masilayan ang kagandahang Bigay ng Maykapal sa “Perlas ng Silanganan” Sa baya’y handang ialay maging ang buhay Dunong, diwa, at dangal Verse 3 Ang bango ng ‘yong sampaguita, tamis ng mangga, at ang tibay ng narra Sila ba’y nakikinig? Ako ba’y naririnig? Chorus Ang huni mo’y ‘king susundan sa tatahakin kong daan Para sa ‘yo Inang Bayan, O Pilipinas! Ako sa ‘yo’y magsisilbi; tagumpay mo’y minimithi At diringgin ko ang huni mo Pilipinas Break Liwanag man o dilim Huni mo’y mananatili Refrain Sa bawat pagkakalugmok ay babangon tayong Puno ng pag-asa’t respeto sa kapwa tao Pag-ibig at pagkakaisa ay ipairal Susi sa kaunlaran Verse 4 Bangayan, poot, sisihan, ay tuldukan na’t ituwid ang kamalian Gunitain ang mga bayaning dugo at pawis ang s’yang iniambag Sila ba’y naririnig? Tayo ba’y nakikinig? Chorus Para sa ‘yo Inang Bayan ang tatahakin kong daan Tunay, minamahal kita, O Pilipinas! Break Liwanag man o dilim Huni mo’y mananatili At bukas sisibol na rin Bunga ng iyong paghuni
All lyrics are property of their respective authors, artists and labels and are strictly for non-commercial use only.
Copyright © 2009-2026 Azlyricdb.com. All Rights Reserved |
Privacy policy
|
Blog